xxx_XXX_QuOTanoUs_XXX_xxx

....Life Is not Measured on the wealth and how many years you have been...

.....Instead, Life is On how you give love and how you feel the love given by the people surrounds you....

Nuffnang

Tuesday, September 14, 2010

Utak Feats Puso Part 4 to 6


Utak Feats Puso 4:

[Ang Pag-ibig kumukupas Pero Hindi Nawawala]

Puso:

Okay na ‘ko Utak… Pwede ko na sigurong subukang mahalin yung taong gusto

Mo..

Utak:

Ang gulo mo naman! Akala ko ba hindi ka nadidiktahan? Atsaka, teka, di mo na

Ba mahal yung isa at nagkakaganyan ka?

Puso:

Utak… Ang pag-ibig kumukupas pero kahit kelan, hindi yun nawawala… Hindi

naman porke’t din a ko ngayon nagsusumiksik sa kanya eh hindi ko na siya

mahal.,,,

Utak: Eh anong tawag sa ginagawa mo?

Puso: Maybe I was just learning the art of letting go…

Utak:

At nag-iisip ka na ngayon ha? Ano ha? Papalitan mo na ang papel ko sa script na

Ito?? May pa-art-art of letting go ka pa..

Puso:

Wag ka ngang OA! Minsan, nakakpagod na ding umasa at masaktan,, Mahal ko

pa rin siya, pero kung kami talaga ang para sa isa’t isa, kami talaga… Tadhana na

ang bahala para sa aming dalawa.

Utak: … (nagtatampo)

Puso:

Ano ba utak? Kala ko ba matalino ka? Bakit ka ba nagkakaganyan? Kumikitid na

utak mo? Hindi naman kita papalitan,,, Ikaw pa rin ang bukod tanging si Utak at

ako si Puso.. Hindi nga ako nag-0iisip kasi ikaw ang gumagawa nun,,,,

Nakikiramdam lang ako… natututo lang…

Utak:

Noon ko pa kasi sinabi sa iyo eh. Wag mo ng mahalin yun at sa oras na gawin mo

eh kakalimutan ko naman.. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ng tao yan tuloy

nahihirapan tayo...






Utak Feats Puso 5:

[Trying to Love Mr. Right]

Puso: Utak,, Anu sa palagay mo? Ok kaya kami ni Mr. Right...


Utak: Palagay ko naman super bagay kayo.. Martir ka… At gaya mo, Martir din siya!


Puso: Pero Utak…


Utak: Mahal mo na nga ba si Mr. Right?


Puso: Minamahal na po...


Utak: Weh॥ Si Wrong the Manloloko pa rin yata eh..


Puso: Bakit nga pala parang hindi ko nakikita si Mr। Wrong?


Utak: Ui॥ Namimiss...


Puso: Hindi noh! Asa pa. Wag ka nga. Baka marinig tayo nung isa, masasaktan lang लालो

yun.

Utak:

Talaga! Dapat lang wag mong saktan yun. Kasi binigay nya ang lahat ng para

sayo. Ginawa nya ang laha ng bagay na alam nyang para sa ikabubuti mo. Teka?

Asan nga pala siya? Bat parang ang lungkot nya kanina? May nangyari ba?

Puso: Kasi tiulad ng sabi mo, ginagawa nya ang lahat ng alam niyang tama?


Utak: Oo... Eh anong konek?


Puso:

Ramdam niya na mahal ko pa din si Wrong. Siyempre puso din yun, marunong makiramdam. Ginawa nya ang tama at ako ay pinalaya.

Utak: OMG! Kelan pa?


Puso: Kanina lang..


Utak: Paano?


Puso: Di ko alam. Basta sinabi na lang nya...


Utak:Na ano?

Puso:

“Hindi mo ako mahal... Ramdam ko naman mahal mo pa din siya. Kayo na nga siguro ang para sa isa’t isa... Kasi kahit wala na siya, andyan ka pa rin,,, naghihintay at umaasa. Hintayin mo siya sa pagbabalik nya ha? Kasi balang araw mamahalin ka din nya ng tama.”

Tapos ayun, umalis na siya...


Utak: Ouch.*





Utak Feats Puso 6

[Love is Lovelier the Second Time Around]

Nakalipas na ang ilang mga taon… Nakailang relasyon na din ang dumaan.. Pero ala pa din… Until one day…


Utak: Hoy Bayii!!! Love is lovelier the second time around! Hahaha!!! Ui!!! Kilig!!!!!


Puso: O ano naman kinikilig kilig mo jan ha? Ano bang meron?


Utak:

Sus! Parang hindi nakita… Si Wrong! Natuto na din! Marunong na siyang maneryoso! Eto na ba ang hinihintay mo?

Puso:

Hindi noh. At hindi naman ako naghihintay... Sorry mali ka..


Utak:

Hindi daw… Kaya pala naiiwang sawi ang mga pusong sumubok buksan ka…


Puso:

Hindi kaya….Dedma nga lang kaya ako kay Wrong.


Utak:

Hindi daw. Kaya pala ang lakas ng kabog mong puso ka nung makita mo siya!


Puso:

Bumilis ang pagtibok ko kasi nung Makita ko siya, natakot ako.. Baka kasi mangibabaw ang pagkainlove ko sa kanya. Pag nangyari yun, baka masaktan lang ako uli.

Utak:

Eh di inamin mo din! Mahal mo pa nga siya!


Puso:

Haay naku... Oo na nga.


Utak:

There is a lot of chances my dear. Why don’t you open up your heart once again? Malay mo this time kayo na talaga.


Puso:

Weh…


Utak:

ANO? Now? Or Never?


Puso:

NEVER MIND!


Utak:

At may pa-mind mind ka pa jan… nang-iinsulto ka yata eh! Pero paano pag bumalik siya sayo?


Puso:

Titigil ako sa pagtibok.


Utak:

ANOOO??? Dinamay mo pa ko? Pag di ka tumibok, parehas tayong TIGOK!


Puso:

Hirap na hirap na ko. Ano bang dapat kong gawin? Ilang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon siya pa din!

Utak:

Aminin mo na kasi ang nararamdaman mo.

Puso:

Manhid ka nga talaga Utak.

Utak:

Bakit?

Puso:

Di mo ramdam na sobra kong pagmamahal sa kanya, nakalimutan ko ng mahalin ang sarili ko... Tayo... Ramdam kong hindi pa ito ang tamamng panahon... Kailangan ko munang mahalin ang sarili ko bago ko mahalin yung pusong sa tingin mo ay minamahal ko.

Utak:

(embarrassed) OO na! Manhid ako. Magaling lang akong mag-isip pero kahit kelan di ako marunong makiramdam… paano? Utak nga eh! Pasensiya na… ngayon ko lang naisip… Paano nga naman pag nasaktan ka ulit? Mahihirapan din ako… Mahihirapan akong mag-isip kung paano ka makakarecover at makakamove-on… Pero paano pag nagmahal na siya ng iba dahil nagsawa na siya?

Puso:

Well then, we better give all the decision to God and Destiny… If were really meant to be, then someday we will be… Mapalayo man siya, maghanap man siya ng iba, bahala siya. Buhay niya yun. At kung kami nga talaga ang para sa isat isa.. tadhana na ang bahalang gumawa ng paraan para maging kami ulit dalawa.

Utak:

Hindi naman kaya mapagod yun kakahintay sayo?

Puso:

Eh bakit ako?

Utak:

Oo nga.. Bakit ikaw? Diba nagsawa ka rin?

Puso:

Hindi ako nagsawang maghintay… napagod na akong masaktan

Utak:

Kaya ayaw mo ng magmahal?

Puso:

Hindi. May mga bagay- bagay lang ankong natanto sa buhay na ito… Patungkol sa pag-ibig.

Utak:

Tulad ng????

Puso:

Kahit gaano mo pala kamahal ang isang tao, dadating ang panahon na kailangan mo siyang palayain... Dahil kung talagang mahal mo siya, hahayaan mo siyang maging malaya at maging masaya. Kahit gaano pa kasakit ito.

Hindi mo siya pwedeng itali sayo habang buhay kasi may sarili siyang buhay at pagkatao. Ang tanging magagawa mo lang para sa kanya ay suportahan siya sa mga bagay na ginagawa niyang tama at sa mga bagay na tunay siyang masaya. Kahit pa masakit, kahit mahirap. Kailangang tiisin…

Kung gaano kasarap ng pakiramdam ng pagiging inlove, ganoon din kasakit at kahirap pag nasaktan ka ng pagmamahal mo.

Kaya mahirap mainlove, kasi pag inlove ka, kailangan mong magparaya, umunawa at tumingin sa bawat sitwasyon----- kung kelan di mo maiisip ang kapakanan mo…

Kundi ang maiisip mo lang ay ang kapakanan ng taong mahal mo…

Ganyan ako bilang puso… At ikaw bilang utak…

Pero sana.. Tayo bilang mga tao, wag nating sisihin ang puso at utak natin sa bawat desisyon na ginagawa natin kasi tayo din ang may gawa nun..

Lagi din sana nating tandaan na,

WALANG DESISYON NA ISANG KAMALIAN, KASI NAGIGING MALI LANG ANG ISANG DESISYON KAPAG HINDI NAPAPANINDIGAN


मैं क्रिश्चियन प्यार!!!!!

Utak Feats Puso 1 to 3






Ang utak natin ang kumokontrol at nagbibigay ng utos upang gumalaw at kumilos ang bawat parte ng ating katawan. nakapagtataka lang kung bakit ang puso minsan di nya kayang diktahan?





bakit nga ba ang utak- hindi makontrol ang puso sa pagtibok nito sa maling tao?





at tayo bilang tao..





bakit nga ba patuloy tayong nagmamahal sa mga taong alam naman natin ay hindi tayo kayang mahalin o sasaktan lang tyao?





Well this one that I composed was my ownmade





“usapan ng utak at ng puso”





Utak at Puso (1)





Utak: bakit ba ayaw mong sumunod eh para naman yun sayo???


wag mo na syang mahalin… kasi naman kinakalimutan ko n nga yung lecheng yun…minamahal mo pa din!





Puso: Yun naman pla eh…! alam mo naman pla na mahal ko siya….


bakit pilit mo pa din siyang kinakalimutan??





Utak: Kasi naman palagi ka na lang nasasaktan!!!!








Utak at puso (2)





Utak: Good News! At last, nakahnap na dina ko ng magmamahal sayo ng totoo.. Yung hindi ka sasaktan… Kasi alam ko na mahal na mahal ka nya..





Puso: Ah yun ba… oo nga tama ka… mahal nya ako… ramdam ko naman yun..matagal na.. Kaso.. Bakit Di mo pa siya sinasagot??? bakit nagdadalawang isip ka pa?





Utak: Haay naku.. Nagtanong ka pa kung bakit… Eh Mahal mo na ba siya?








Utak at puso (3)





Utak: Haay… Puso… Sa talino kong ‘to, ang problema mo ang pinakamahirap na problem solving na sinasagutan ko!





Puso: Oo na.. ikaw na ang nag-iisip… at ikaw na ang matalino..


Utak: Ikaw naman kasi… nakahanap n nga ako ng taong magmamahal sayo ng totoo..Pero ano??hanggang ngayon.. yung isa pa din ang minamahal mo eh sinasaktan ka lang non!





Puso: puso lang ako.. hindi ako nag-iisip kundi ikaw..


magmahal lang ang kaya kong gawin… At hindi ako nadidiktahan na gaya ng ibang part eng tao..Kung pwede nga lang eh.. Sana Dalawa na lang ang puso ko… para pwede ko ng mahalin yung taong gusto mo..







Utak: haay nakoo.. eh kung pwede nga lang sana noh?


kaso kahit kelan tanga ka talaga… Utak lang ang nagdadalawang isip…


at ikaw kahit kelan di pwedeng magdalawang puso!








Well... If I we were to choose between heart and brain... I think we should simply think first if we have a better heart or a better brain....

nuffnang