Pages
xxx_XXX_QuOTanoUs_XXX_xxx
....Life Is not Measured on the wealth and how many years you have been...
.....Instead, Life is On how you give love and how you feel the love given by the people surrounds you....
Nuffnang
Thursday, July 1, 2010
“BAKIT KUNG SINO PA” (PART 1)
Maraming nagtatanong kung bakit kung sino pa daw ung marunong mag mahal at totoong nag mamahal ang syang laging naiiwan at laging nasasaktan.
Kasin ung mga taong totoo qng mag mahal ay yung mga taong TANGA, mga taong MARTIR, mga taong mahaba ang pasensya, marunong umunawa,rumespeto at umintindi, mga taong nag sasakripisyo at nagpaparaya para lamang sa kasiyahan at kapakanan ng mga taong minamahal nila.
Kaya madalas silang naiiwan at nasasaktan kasi ung mga taong minamahal nila eh sinasamantala at niloloko lang sila. Sinasamantala at niloloko sila dahil alam ng mga taong manloloko na kahit anong katarantaduhan ang gawin nila ay siguradong iintindihin at uunawain parin sila ng mga taong nag mamahal sa knila.
At dyan pumapasok ang karma sa mga taong manloloko, ng iiwan sila at nagpapalit ng gaya nila pero hindi rin sila nag tatagal nung kapwa manloloko nila. Naghihiwalay din sila sa huli. pero pag dumating yung time na magsawa na sa lokohan si manloloko at kapag natuto na syang maniryoso, lolokohin at iiwan lng din sila nung mga taong sineryoso nila. Gaya ng ginawa nila nung una.
Well, kung ako ang tatanungin mas OK na din ung karmahin para matuto sila. Experience is the best teacher. Para sa mga taong manloloko kapag dumating ung time na lokohin kayo at saktan, magsilbi n sana iyon sa inyong aral. At sa atin din lahat na “wag naman sana tayong manloko ng ating kapwa”.kasi alam na naten na ang sakit at hirap ng taong niloloko, DI BA?. Wag na nating hayaan na mangyari satin ang nangyari sa iba.
Kaya sa pag-ibig… wag mong subukan magbiro at maglaro kasi baka d mo mamalayan…
Kung sino pa ang taong niloko mo, yun pala ang bukod tanging maneneryoso sayo…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment