Kung ayaw mo na, ayoko na din..
Naaasar na ‘ko, ‘lam ko ikaw din
Pero kung ayaw mo na talaga, bahala ka
Anuman ang gusto mo, Ikaw na ang magpasya
Hindi ibig sabihin no’n give up na ‘ko sa’yo
Hindi ibig sabihin no’n, galit ako sa’yo
Gusto ko lang maisip mo, mahal kitang talaga
Kaya lahat ng kagustuhan mo, pinagpaparaya
Oo na! minsan nga, napipikon na ‘ko..
Masyado kasing personal, pag ikaw ang nagbiro..
Pero kahit ganon at sinasaktan ako..
Kailanma’y di magawa ang magalit sa’yo
Napipikon lang, ‘pag nang-aasar ka..
Di mo lang pansin, yun ang nagpapasaya..
Sa buong araw ko,’pag nag-iisa ako..
‘pag ikaw ang iniisip ko, sumasaya ang puso..
Pero, matanong ko lang, ”hanggang dito na lang ba?”
Hanggang dito na lang ba, pag-iibigan nating dalawa?
Dalawa tayong nangarap, para sa ating bukas..
Bukas ba nag wakes ng lahat ng pinamalas?
Dahil bukas ang araw ng iyong pagpapasya..
Sana’y di nagkamali sa ‘king pagpaparaya..
Kahit kasal mo na bukas, di pa ring alit sa’yo
Basta maging maligaya ka,yun ang hangad ng puso..
No comments:
Post a Comment